PAHINA NG IMPORMASYON

Mga lindol

Ang lindol ay ang resulta ng biglaang paglabas ng enerhiya mula sa ilalim ng lupa na lumilikha ng mga seismikong alon.

Dahil sa kasaysayan at heograpiya ng San Francisco, nagiging malaking panganib ang mga lindol para sa ating Lungsod. Sundin ang mga direksyon sa ibaba upang maghanda at manatiling ligtas.

Bago ang lindol

  • Gumawa ng planong pang-emerhensya at isaalang-alang na malamang na hindi magagamit ang cell service.
  • Ayusin ang mga supply para sa kalamidad sa mga kumbinyenteng lokasyon.
  • Gawing ligtas ang iyong tahanan sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga muwebles, telebison, at iba pang mabibigat na bagay na maaaring matumba, at pagpapapirmi ng mga ito sa mga dingding. Isaalang-alang ang paglalagay ng mga trangka sa mga cabinet upang maiwasan ang pagkahulog at pagkabasag ng mga babasagin.
  • Alamin ang lokasyon ng iyong gas main at kung paano ito isara. Makipag-ugnayan sa PG&E para sa tulong kung hindi ka sigurado sa 1-800-743-5000. Maaaring makipag-ugnayan ang mga nangungupahan sa kanilang landlord upang malaman ang lokasyon ng gas shutoff ng kanilang gusali. Magtabi ng liyabe sa tabi ng shutoff valve.
  • Bawasan ang kahirapan sa pananalapi sa pamamagitan ng pag-aayos ng mahahalagang dokumento, pagpapatatag sa iyong ari-arian, at pagsasaalang-alang ng insurance.
Bumisita sa earthquakecountry.org para sa higit pang mga tip at mapagkukunan ng tulong.

Sa panahon ng lindol

Bumaba, magkubli, at kumapit kapag nagsimulang magyanig ang lupa

  • Kung ikaw ay nasa loob, bumaba nang paupo malapit sa sahig para di matumba, magkubli sa ilalim ng matibay na mesa o iba pang kasangkapan, at kumapit hanggang sa tumigil na ang pagyanig.
  • Kung walang matibay na kasangkapan, protektahan ang iyong ulo at leeg gamit ang iyong mga braso at magkubli sa isang sulok sa loob.
  • Lumayo sa salamin, bintana, pinto at dingding sa labas, at anumang bagay na maaaring bumagsak sa iyo, gaya ng mga ilaw o muwebles.

Manatili sa puwesto

Manatili sa loob hanggang sa tumigil na ang pagyanig at ligtas nang lumabas. Huwag lumabas ng gusali habang lumilindol.

  • Kung nasa labas ka, lumayo sa mga gusali, poste ng ilaw, at mga kable ng kuryente.
  • Kung ikaw ay nasa isang umaandar na sasakyan, huminto kaagad nang ligtas hangga't maaari at manatili sa loob ng sasakyan. Kung maaari, iwasan ang huminto sa ilalim ng mga gusali, puno, overpass, at mga kable ng kuryente.

Maghintay

  • Malamang na magkaroon ng mga pagyanig pagkatapos ng lindol at maaaring maging sapat ang lakas para magdulot ng karagdagang pinsala. Maging handa na muling bumaba, magkubli, at kumapit. Ang pananatiling kalmado at nag-iisip bago kumilos ay makakatulong sa iyong gumawa ng mga ligtas na desisyon para sa iyong sarili at sa mga nakapaligid sa iyo.

Pagkatapos ng lindol

Suriin ang iyong paligid

  • Suriin kung may pagkasira, at para sa sinumang napinsala. Maging alerto dahil ang pinsala sa isang gusali ay maaaring humantong sa pagtulo ng mga linya ng gas at tubig o mga linya ng kuryente.
  • I-off ang iyong gas main kung nakaamoy ka ng gas, nakarinig ng sumisitsit na tunog, nakakita ng sirang linya ng gas, o naghihinala ng pagtagas.
  • Kung halatang hindi ligtas ang iyong gusali—nagpapakita ng mga palatandaan ng malaking pinsala sa estruktura, panganib ng pagbagsak, o pagtagas ng gas—maingat na lumikas sa isang kalapit na bukas na espasyo, dalhin ang iyong Go Bag. Huwag kailanman bumalik papasok ang nasirang gusali.

Mag-iwan ng bakas

  • Kung aalis ka ng bahay, mag-iwan ng karatula na nagsasabi sa mga kaibigan at pamilya ng iyong bagong lokasyon. Magkita-kita sa iyong itinatag na lugar na tagpuan.

Manatiling nakatutok. Manatiling alerto.

  • Manatiling alerto para sa mga opisyal na update at tagubiling pang-emerhensya. Tumutok sa mga lokal na istasyon ng radyo (KCBS 740 AM / 106.9 FM, KQED 88.5 FM, KALW 91.7 FM) para sa real-time na impormasyon.
  • Maging handa para sa mga pagyanig pagkatapos ng lindol, na maaaring magdulot ng karagdagang pinsala, at manatiling may kamalayan sa mga panganib ng tsunami kung ikaw ay nasa isang baybayin.

Tumingin sa sf.gov/ReadySF

  • Sa isang malaking emerhensya, magbabahagi ang Lungsod at County ng San Francisco ng mga opisyal na update at mapagkukunan ng tulong sa sf.gov/ReadySF.

Tingnan ang Gabay ng Kaligtasan sa Lindol at ibahagi ito sa iyong mga kaibigan at pamilya!

Mag-sign up para sa AlertSF upang makatanggap ng mahahalagang update bago, sa panahon ng at pagkatapos ng mga emerhensya. I-text ang iyong ZIP Code sa 888-777 o mag-sign up sa AlertSF.org.

Alamin pa

Tungkol Dito

ReadySF logo

Inihatid sa iyo ng San Francisco Department of Emergency Management (DEM). Namamahala ang DEM ang mga pang-araw-araw at hindi pang-araw-araw na emerhensya sa San Francisco.

Para sa higit pang impormasyon at update, sundan ang San Francisco Department of Emergency Management sa Instagram, X, Nextdoor, Facebook at BlueSky

Humiling ng maikling presentasyon tungkol sa paghahanda sa sakuna mula sa Department of Emergency Management.